Una sa Balita

Nasan si Tatay

0 676

Yan ang tanong ng marami sa mga kababayan natin. Hindi lang si Mayor ang hinahanap kundi yung leader ng bansa.

‘Yung leader dapat ang kumukumpas sa panahong ito, kung ano ang agarang mga dapat gawin. Nabigyan na sya ng emergency power ngunit tila hindi dumadating sa taumbayan ang kasiguraduhan na wala dapat silang ipangamba sa panahon na ito.

Hindi katulad ni Mayor Vico ng Pasig City. Nakikita mo na nakakatulong s’ya sa sitwasyon. Nandon s’ya kasama ng kanyang nga constituents. Nagsasagawa ng mga pamamaraan upang matugunan ang pangangailangan ng mga taong kanyang nasasakupan.

Hindi mo ‘yan makita sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa, sa kasalukuyan.

Nagphophoto-op ng kung anong kinakain nya sa araw ng kanyang kaarawan. Ngunit ang tawag ng kanyang sinumpaang tungkulin ay hindi magpakita lang ng kung gaano “kasimple” ang kanyang buhay. Ang kailangang ipakita nya ngayon ang kung gaano sya kahusay na leader sa pagmaniobra sa pagbigay ng lunas at kasagutan sa mga pangangailangan ng taumbayan.

Related Posts

Oo matanda na sya. Hindi dapat yan maging sagka sa kanyang tungkulin. Tinanggap mo ang tungkuling ito, dapat pangunahan nya ang kanyang mga tao. Hindi ‘yung nagpapakita kung gaano kasimple ang kanyang kaarawan. E magiging simple talaga, nakaquarantine tayo e.

Sana naman umaksyon na ngayon sa agarang kaligtasan ng mga tao, lalung lalo na sa mga nasa frontline, sa hospital, na nag-aalaga sa mga tinamaan ng sakit.

Tama hindi natin ito kagustuhan, ngunit sana makita naman ang pamumuno sa pagharap sa problemang ito.

Ayon nga sa mga eksperto, huli na nang tayo ay umaksyon. Kaya sana naman ay humabol-habol tayo.

Tulad nga mga lampoon na kumakalat sa social media, kahit na mga pabiro ay may laman, galaw-galaw naman (‘tay), di ka namin ramdam e.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More