Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nasal spray ng Sputnik target sa Russia

0 61

Masusi ngayong pinag-aaralan ng Russia ang nasal spray form ng kanilang COVID-19 vaccine na Sputnik V.

Sa paglalahad ng pamalaan ng nasabing bansa, ilan anila sa kanilang adult population ang magsisilbing volunteer para sa clinical test.

Matatandaan ang Russia ang isa sa mga naunang nag-develop ng bakuna nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Ayon sa impormasyon, dalawang doses din na ibibigay ang nasal spray sa isang klinika sa St. Petersburg.

GAyunma’y hindi natukoy kung kailan nakatakdang simulan ang clinical test.

Kasabay nito’y pinamamadali na ni President Vladimir Putin ang vaccination program sa kanyang nasasakupan makaraang makapagtala ng highest single-day death toll ang Russia sa coronavirus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.