Una sa Balita

Nasabik sa kulot na buhok: Pepe na-miss nang husto ni Coco

0 368

abante-paistaran-dondon-serminoPagda-ting sa kaibigan, maaasahan talaga­ si Coco Martin. At muli, ipinakita niya na kapag kaibigan ka niya, asahan mo na palagi siyang nakasuporta sa iyo.

Kaya naman gumawa talaga ng paraan si Coco para mapanood ang “Rak of Aegis” na ang isa sa mga bida ay ang kaibigan niyang si Pepe Herrera.
“Na-miss at mahal ko ang taong ito,” sabi sa caption ni Coco ng photo nila ni Pepe.

Hindi nga makalimutan ni Coco ang kakulitan, at siyempre ang kulot-kulot na buhok ni Pepe, na matagal nga niyang nakasama sa “Ang Probinsyano” noon.

***
Angelica, Richard, Bea masakit sa panga ang kulitan

Sakit sa panga raw ang pagkikita nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutie­rrez, sa naganap na story con para sa pelikulang pagsasamahan nila.

Parang comedy raw ang pagkikita ng tatlo, na sabi nga ay super likot, puno ng tawanan. Naku, knowing Angelica, malamang pa­nay ang hirit nito kaya super tawanan ang mga tao sa story confe­rence nila. At makikita nga sa mga photo na naglabasan kung gaano sila kasaya, dahil puro nakanganga ang mga bibig nila sa kakahagalpak.

Sabi nga ni Angelica, ‘more, more chika’ next time.

***
The Eddys ngayong gabi na sa Colours Channel

Balikan ang masaya, maningning at makasay­sayang mga eksena sa katatapos na 3rd Entertainment Editors’ Choice o The Eddys ngayong Linggo, alas-nuwebe ng gabi, sa Colours Channel 60SD at 202HD ng Cignal TV.

Katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño, espesyal ang Filipiniana edition ng Eddys ngayong 2019 na ginanap sa New Frontier Theater (Home of the Eddys) dahil sa pakikiisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino. Imagine, nagsama-sama sa isang entablado ang mga sikat na artista, direktor, personalidad na sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Sen. Bong Revilla, Jr., Mayor Lani Mercado, Nova Villa, Mel Martinez, Joel Lama­ngan, Lourd de Veyra, Herbert Bautista, Dante Rivero, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Eddie Gutie­rrez, Lorna Tolentino, da­ting Senador Jinggoy Estrada at Korina Sanchez (na nag-host ng The Eddys).

Muli ring nagsama-sama sina Lucy Quinto, Pepito Rodriguez, Lorli Villanueva, Digna Santiago.

Kapuri-puri rin ang pasabog sa stage nina Kuh Ledesma, Ice Seguerra, Aicelle Santos, Gerald Santos, Rayver Cruz, Hashtag Rayt, Bituin Escalante, Lara Maigue, Rita Daniela, Jem & Andrea, Sean Oliver, RJ dela Fuente, BOU at Acapellago.

Sina Juancho Trivino at Arra San Agustin ang nagsilbing red carpet hosts.
Ang The Eddys ay presented by Echo Jham Entertainment Productions, headed by May Alma Arenas, and Cignal TV, at dinirek ng mahusay na direktor na si Calvin Neria.

Sinuportahan din ang 3rd Eddys ng mga sumusunod: Manila Genesis Entertainment, Soundcheck, PLDT Home, Beautederm, Unilab, Novotel, Snail White, Kultura, Megasoft Hygienic Products, Sisters Pantyliners, Cherub Baby Care, GSM Blue, DMCI, Gandang Ricky Reyes, Fernando’s Bakeshop, Nature’s Spring, Petalier, Stratworks at Yoshinoya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy