Una sa Balita

Nasaan si Terrence?

0 299

Naging laman ng balita ang ating pambansang koponan dahil sa pagli­ban ng Asia’s Best Point Guard na si Jayson Castro para sa World Cup.

Inaasahan sana ng marami ang kanyang kontribusyon sa team, ang kanyang leadership at puso sa loob ng court.

Ngayon darating na World Cup, hindi na natin makikita ang liksi ni Castro, tapos na ang pitong taong serbisyo sa bansa. Sabi ng iba, paano na ang Gilas kung wala si Castro?

Bago natin kuwestiyunin ang pag-alis ni Castro sa Gilas ay alalahanin natin ang kanyang ilang taong serbisyo sa team. Katatapos lang ng kanyang kasal, time na para mas magbigay panahon sa personal life. Hayaan natin siyang i-enjoy ang kanyang married life, family life.

After all, deserve niya ang lahat ng ito, eto ang best reward para kay Jayson Castro matapos ang kanyang pagsisilbi sa bansa.

So, sa iyo Jayson, maraming salamat sa puso na inilaan mo para sa Pilipinas at congratulations Mr. and Mrs. Castro.

***

Naiwan ang katanungan kung sino ang papalit sa position na naiwan? Lumutang ang mga pangalan nina Kiefer Ravena, CJ Perez at Robert Bolick.

Mga bata pa sa liga, pero sa kalibre ng laro ay kaya namang makipagsabayan. Sa kanilang tatlo, mas na kay Rave­na ang pabor, hindi naman natin maitatanggi ang ibang level ng laro ng sophomore na ito, pero ‘pag dating sa international games eh beterano na si Kiefer.

Mas lamang siya pagdating sa experience, pero sa lakas ng loob ay ‘di naman sila nagkakalayo. Malalaman natin kung sino ba sa kanilang tatlo ang talagang makakakuha sa naiwang position ni Castro, logical choice daw si Kiefer, pero abangan natin.

Bakit wala si Terrence Romeo sa choices?­ Bakit hindi siya nabanggit para mapasama sa pool?

Oo nga at may inflammed achilles tendon si Romeo pero pagdating ng buwan ng August ay healthy naman na ang Beermen guard. Sa tinagal din naman ni Romeo sa Gilas ay napatunayan niya sa lahat na deserving siya sa spot na ibinigay sa kanya, napakita niya sa bansa natin at sa kanilang mga nakaharap na hindi siya basta-basta.

Bakit hindi muling imbitahan si Romeo sa ensayo nang makita kung makakasabay sa sistema ni coach Yeng at kung makaka-jive niya ang bagong Gilas?

Tingin ko, isa siya sa mga perfect choice para maging parte muli ng Gilas. Tapos na ang lahat ng suspension sa Gilas players natin matapos ang insidente na nasangkutan nila kontra Australia.

Kung bilis, liksi, shooting skills, puso at tapang, meron niyan si Romeo. Minahal rin siya ng crowd every time na maglalaro ang Gilas saanmang venue.
Ano kaya ang dahilan kung bakit wala si Terrence?

Baka naman siya na mismo ang nagdesisyon na huwag na munang bumalik sa team? Pero umaasa ako na sa SEA Games ay present ka na para magbigay serbisyo sa bansa!

Muli, mga Ka-Abante, patuloy po ninyong suportahan ang aming show ni Bes Ramil, Sportalakan, 6pm, Martes.
Salamat po, God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy