Una sa Balita

Nasaan si Sam Milby? Iza Calzado improving ang kundisyon, inalis na sa I.C.U.

0 1,956

Kaya totoo rin talaga ang kasabihan na “kapag may usok, may apoy.” Last week nang may balitang pinag-quarantine raw sina Sam Milby at Iza Calzado.

Sina Iza at Sam ang magkasama sa bagong serye ng ABS-CBN at diumano’y nanggaling sa ibang bansa si Sam at si Iza raw ang madalas nitong kaeksena.

Sinubukan naming kumuha ng impormasyon tungkol dito sa alam naming taong malapit kay Iza. Pero ayon dito, hindi nga raw si Iza, instead, si Sam daw yata ang talagang PUI at naka-quarantine na ito.

Pero ilang araw ang lumipas, kagabi ay nag-open-up na si Iza na naka-confine sa hospital due to pneumonia at naghihintay na lang ng resulta ng kanyang COVID-19 test.

Kaya ang tanong ngayon, “kumusta si Sam? Bakit walang any statement mula kay Sam?” Puwede rin naman kasing linawin ni Sam kung ano nga ang totoong kalagayan niya rin. Siguradong marami rin ang nagwo-worry para rito, lalo na ang mga tagahanga niya.

Magandang balita naman ang nakarating sa amin na diumano’y mula sa I.C.U. ay inilipat na naman daw si Iza sa regular room at improving ang kundisyon nito.

Sharon, Kiko walang sintomas ng coronavirus

Kung sana ay gumaya ng konting karesponsablehan ang Senador na si Koko Pimentel sa kapwa niya Senador na si Kiko Pangilinan, hindi sana siya ang trending ngayon sa social media dahil sa ginawa niyang pagwawalang-bahala sa COVID-19 kunsaan, kumpirmadong na-infect siya.

At hindi sana hinihintay ng taong bayan na mag-resign na siya sa Senado. Ilang online petition na ang lumalabas para mag-resign na ito.

Si Senator Kiko ang isa sa mga unang nag-response sa home quarantine, noong una pa lang na may na-expose sa Senate sa nag-positibo sa COVID-19.

Bukod sa kanya, nag-home quarantine rin ang Misis nito, ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang dalawa nilang anak na kasama sa bahay na sina Miel at Miguel.

At masaya ngang ibinalita ni Sen. Kiko na nakumpleto na nila ang 14 days quarantine at lahat sila ay walang naramdamang sintomas ng coronavirus.

Ayon sa post nito sa kanyang Facebook account, “It has been 2 days since my 14 day self quarantine was completed. Thankfully, I have not shown any flu like symptoms. No fever. No cold. Sharon too and the kids have shown no symptoms as well.

“The dry cough I experienced last Saturday night has been significantly reduced to almost nil when I started taking antacids and strictly avoided certain type of food items and beverages. The dry cough and irritated throat appears to be due to acid reflux. Stress can trigger acid reflux. According to my Doctor, I am at this point technically Covid free.

“We take things one day at a time.

“Thank you for all your prayers. Please stay safe and healthy.”

Dingdong, Rocco nag-FB live workout session

Iba na rin talaga ang naging bonding ng cast ng teleserye nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado. Sa tagal na rin nilang magkakasama sa taping even before pa umere ang Philippine adaptation na koreanovela, nabuo na ang friendship ng buong cast.

At dahil nga sa COVID-19, biglang natigil ang lahat ng taping sa both networks, kabilang ang DOTSPh.

Pero kahit na magkakahiwalay at nasa kanya-kanyang bahay, nag-FB live workout session ang mga ito.

Sa pangunguna na ni Dingdong Dantes, kasama ang iba pang male cast na sina Rocco Nacino, Jon Lucas, Pancho Magno, Carlo Gonzales at Paul Salas.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More