Una sa Balita

Nasaan si Pangulong Duterte?

0 315

HINDI nagpapakita nitong­ nakalipas na araw si Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t marami ang nagtatanong kung nasaan ang Pangulo?

Ayon sa palasyo, napaka-busy umano ni Pangulong Duterte sa mga paperwork at pagpupulong.

“Eh marami siyang private meetings, mara­ming courtesy calls. Saka sabi niya sa aking kagabi, ang dami niyang tambak na—you know kasi, ang problema kasi sa aming mga lawyers, bago kami pumirma, binabasa namin,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa mga reporter.

“Matiyaga kaming nagbabasa ng dokumento bago mo ilagay iyong pirma mo eh, iyo ang sinabi niya sa akin eh. ‘Yan ang… ‘So it takes time reading before I sign it’, iyon ang nakakatagal sa kaniya,” dagdag ni Panelo.

Ayon kay Panelo, ‘workaholic’ umano ang Chief Excutive na huling nakita ng publiko noong 118th Police Service Anniversary sa Camp Crame.

“Si Presidente busy sa paper work, busy sa engagement – busy sa lahat si Presidente, hindi ba?, workaholic masyado itong mama,” sabi pa ng kalihim.

(Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy