Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nasaan na ang bakuna?

0 215

Umaasa sa pagkakaroon ng bakuna ang programa ng gobyerno laban sa coronavirus. Ang tanong ng bayan ay “kailanmagkakaroon ng bakuna?”

Sinabi ang Department of Health na posibleng magkaraoon natayo ng bakuna sa unang bahagi ng 2021. Maasahan kaya yan?

Ayon sa covid vaccine tracker ng New York Times (as of Sept25, 2020), dalamapu’t pito (27) bakuna ang umabot sa Phase 1 testing.

Labing-apat (14) dito ang pumasa sa Phase 2, at labing isa (11) ang nasa trial ng Phase 3. Para pumasa, higit 50% dapat ng samples ang magkaroon ng antibodies laban sa coronavirus.Dahil sa marami ang samples, lilitaw ang anumang side effects habang tumatakbo ang Phase 3 trial.

Sa labing-isang nasa Phase 3, lima (5) rito ang nabigyan ng approval for limited application.

Narito ang mga bakunang umabot na sa Phase 3.

1. Magkasanib ang Moderna at National Institutes of Healthng Amerika sa paggawa ng bakuna. Nag-umpisa sila ng Phase 3 noong July 27; inaasahan ang approval sa katapusan ng 2020 o sa pagpasok ng 2021.

2. Nagsama ang tatlong kumpanya ng BioNTech (Germany), Pfizer (USA) at Fosun Pharma (China) sa paggawa ng bakuna. Nag-umpisa ang Phase 3 nila noong July 27. Malalaman saOktubre kung mabisa ang bakuna. Nakatakdang mag-deliver ng 100 million doses sa USA ngayong Disyembre.

3. Ginagawa naman ng AstraZeneca (British-Swedish) at University of Oxford ang bakuna mula sa adenovirus ChAdOx1. Nagsabi ang AstraZeneca na kayang mag-deliver ng bakuna pagpasok ng Oktubre.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

4. Ang bakuna ng Johnson & Johnson (USA) ay mula saAdenovirus 26 ng Beth Israel Deaconess Medical Center(Boston). Matatapos ang Phase 3 ngayong Setyembre.

5. Setyembre nagsimula ang Phase 3 trial ng Novavax (USA) saUK, at itutuloy sa Amerika ngayong Oktubre. Made-deliver ang 100 million doses sa Amerika pagpasok ng 2021.

6. Nasa Phase 3 na rin ang Murdoch Children’s Research Institute ng Australia para sa bakunang na-develop nito mula sagamot ng tuberculosis.

Eto naman ang mga bakunang approved for limited use.

1. Nanggaling sa Adenovirus 5 ang bakuna ng CanSinoBiologics (China) at Academy of Military Medical Sciences(China). Noong June 25, pinayagan ng Chinese military nagamitin ang bakuna bilang special drug para sa mga sundalo. Pero noong Agosto lamang inumpisahan ang Phase 3 trial.

2. Ang Gam-Covid-Vac ng Gamaleya Research Institute(Russia) ay mula sa kombinasyon ng Adenovirus 5 at 26. Pinangalanang “Sputnik V” ni Russian President Vladimir Putin, at inaprubahan ang gamit noong Agosto 11, kung maganda ang resulta ng Phase 3. Noong Sept 4 lamang inilabas ang resulta ng Phase 1/2 trials.

3. CoronaVac ang bakuna ng pribadong Sinovac Biotech(China). Nag-umpisa ang Phase 3 trial noong Hulyo sa Brazil, Indonesia at Turkey. Ayon sa balita, pinayagan ng pamahalaanng China na gamitin eto noong Hulyo.

4. Ang bakuna ang Wuhan Institute of Biological Products ay sinusubukan ng Sinopharm (China). Inumpisahan ang Phase 3 sa UAE noong Hulyo, kasama ang Peru at Morocco. Pinayaganng pamahalaan ng UAE na gamitin sa mga healthcare workers.

5. Sinusubok ng Sinopharm ang bakuna ng Beijing Institute of Biological Products. Ginagawa ang Phase 3 sa UAE at Argentina. Noong Sept 14, pinayagan ng UAE na gamitin samga healthcare workers.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.