Una sa Balita

Nasaan ang P39 na bigas?

By
0 472

Bumaha na kaya ang murang bigas sa mga pamilihan ngayong wala na sa NFA Council si Cabinet Secretary Leoncio ‘Jun’ Evasco?

Ang pagsibak kay Evasco ay naganap isang araw matapos dumating sa NFA warehouse sa Lungsod ng Quezon ang convoy ng mga trailer truck na puno ng mga sako ng bigas mula sa mga rice miller at trader sa Nueva Ecija at iba pang lugar sa Gitnang Luzon.

Ibebenta ang mga bigas sa halagang P39 kada kilo. Ayon sa mga rice miller palugi nilang ibebenta ang bigas bilang tulong sa bayan.

Kailangan bang may masibak para mawala ang ‘deadlock’ at maiwasan ang matinding pagtatalo sa mga inatasan ni PDu30 na siguruhin ang ‘food security’ ng bansa?