Una sa Balita

NASA mathematician Katherine Johnson pumanaw na

0 290

PUMANAW na sa edad na 101 si Katherine Johnson, ang makasaysayang mathematician ng National Aeronautics and Space Admi­nistration (NASA).

Bilang mag-aaral, ayon sa NASA, si ­Johnson ang ­unang ­babaeng black student na inalok na makapag-aral sa graduate school ng West Virginia University, kasama ang dalawang black men.

Nagsimulang magtrabaho si Johnson sa NASA’s ­predecessor, ang National ­Advisory Committee for Aeronautics (NACA) noong 1953 sa Langley ­Laboratory, Virginia. Tatlong dekada siyang nagtrabaho sa NASA bago magretiro noong 1986.

Tumulong siya sa unang human spaceflight ng America na “Freedom 7” noong Mayo 1961, sa ­unang American ­orbital spaceflight, at sa mga kalkulasyon upang ­mailagay ang mga lalaking austronaut sa buwan noong 1969.

Si Johnson ang ­unang babae sa Flight Research Division na binigyang-kre­dito ­bilang research ­author, kasama si Ted ­Skopinski, tungkol sa paglalarawan ng ­orbital spaceflight.

Taong 2015 gina­wad ni ­dating US Pre­sident Barack Obama ang “­Presidential Medal of Freedom,” ang pinakamataas na parangal ng Amerika para sa mga sibilyan. (RC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More