Una sa Balita

Nasa mabuting mga kamay

0 400

Malaki ang kumpiyansa ng inyong lingkod sa mga opisyal na bumubuo sa bagong tatag na Philippine Arbiters Chess Confederation (PACC) na pinamumunuan ni Aklanon International Arbiter/National Master Wiflredo Neri.

“Thank you for your confidence in me,” pahayag ni Neri sa kapwa arbiters at chess officials sa isang okasyon kamakailan sa Quezon City na sinaksihan nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Rep. Prospero Pichay Jr., executive director Atty. Cliburn Anthony Orbe, at Grandmasters Eugenio Torre at Jayson Gonzales.

Hindi makakalimutan ang pagkopo ni Neri ng gold medal sa standard at rapid play ng 2017 Asean Age Group Seniors chess championships sa Pahang, Malaysia. May silver pa siya sa blitz event.

Ang 53-year old Civic Leader ay BS Commerce graduate sa Aklan College, dating Barangay captain, Sports and Games Regulation Officer at kasalukuyang Sports Devt. Officer III sa Office of the Aklan Provincial Sports.

Isa rin siyang licensed Fide (World Chess Federation) arbiter at instructor, NCFP Visayas coordinator, PCTAP nat’l vice pres. for Visayas, former nat’l VP Arbiters Visayas, PECA nat’l VP-Visayas at Assistant Executive Director-Visayas.

Nakamit niya ang Arena Grandmaster (AGM) title noong Disyembre 2017.

Ang iba pang officers ng PACC ay sina Vice President-Luzon IA Reden Cruz, VP-Visayas NM/NA Rodolfo Toledo, VP-Mindanao IA James Infiesto, secretary Woman Fide Master/ NA Michelle Yaon at WNM/NA Jemima Valdez, treasurer NA/ Dr. Alfred Paez, at auditor NA Cyril Telesforo.

Board of directors sina NM/NA Rudy Ibañez- NM/IA Elias Lao Jr., NA Hanz Tutica, NA Erwin Tabor, Joseph delos Santos.

Ang Membership Screening Committee-Luzon chairman si IA Reden Cruz, sa Visayas si NM/NA Toledo, at sa Mindanao si Infiesto; Constitutional Committee chief si NA Byron Villar, habang advisers sina Torre at Gonzales.

Kaya masasabi kong nasa mabuting mga kamay ang organisasyon.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More