Una sa Balita

Nasa mabuting kamay ang NCRPO

0 498

Itinurn-over na ni da­ting National Capital Region Police Office (NCRPO) director at ngayo’y Chief of the Directorial Staff, Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang kanyang puwesto kay Brig. Gen. Debold Sinas.

Medyo maninibago ang publiko dahil araw-gabi ay nakikita natin sa telebisyon o social media si Gen. Eleazar na nangunguna sa mga police operation.

Sa totoo lang hindi mabilang ang matagumpay na mga police operation na inilatag ng NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Eleazar.

Isa rito siyempre ay ang pagtutok sa kampan­ya kontra iligal na droga na siyang pangunahing adhikain ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte. Hindi mabilang ang matagum­pay na anti-drug operation ni Gen. Eleazar at ng NCRPO.

Sandamakmak ding mga kriminal ang nahulog sa kamay ng batas at may ilan ding nagsisi­mula pa lamang gumawa ng kalokohan ay nabuko na kaya naagapan ang kanilang masamang plano.

Pero sa lahat ng ope­rasyon ng NCRPO, ang hindi makakalimutan ng tao kay Gen. Eleazar ay ang dedikasyon nito na linisin ang hanay ng PNP.

Alam n’yo bang sa ilalim ni Gen. Eleazar naging masigasig ang cleansing operation sa PNP? Noong nasa Quezon City Police District ito hanggang sa maging NCRPO ay puspusan ang paglilinis niya sa hanay ng PNP dahil talagang ang hangad niya ay maibalik ang magandang imahe ng PNP.

Kaya naman walang kaba si Gen. Eleazar sa pagsalin ng kapangyarihan kay Gen. Sinas dahil nangako itong ipagpapatuloy ang internal cleansing sa hanay ng kapulisan.

Katulad niya ay tiwala si Gen. Eleazar sa kakayahan ni Sinas na mapanatili ang disiplina ng mga kagawad ng PNP dahil kapwa mahigpit.

Kapag mahigpit kasi masisigurong walang loloko-lokong pulis at gagawa ng kabulastugan na sisira sa imahe ng PNP.

Ngayong nalipat na sa puwesto si Gen. Eleazar at naluklok na chief of the directorial staff, marami ang umaasa kabilang tayo na hindi magtatagal ay maluluklok na rin ito sa pinakamataas na puwesto sa PNP.

Alam nating nakasalalay kay Pangulong Duterte ang pagdedesis­yon pero alam naman nating batid ng Pangulo ang pamumunong ipinamalas ni Gen. Eleazar nang maging pinuno ito ng NCRPO kung saan ay sakop ang Malacañang at marami pang mala­laking aktibidad pero napanatili ang kaayusan at katahimikan ng Metro Manila.

Sabi nga nila kung kaya ni Gen. Eleazar sa Metro Manila, mas nakatitiyak tayong nasa mabuting kamay ang buong bansa kung siya na ang maluluklok na pinuno ng PNP.

Maliban kay Eleazar ang iba pang kandidatong maging PNP chief ay sina Lt. Gen. Francisco Archie Gamboa na siyang officer-in-charge ngayon ng PNP at concurren Deputy Chief for Administration, at si Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na itinalaga namang Deputy Chief for Operations.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy