Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nasa Dubai? Pastor Quiboloy 11 araw ‘di lumulutang!

0 155

CALIFORNIA – Hindi matagpuan ng mga tagasunod ang pinuno ng Kingdom of Jesus Christ at self proclaimed Son of God na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Arlene Caminong-Stone na dating kabilang sa inner circle ni Quiboloy at naninirahan sa Minessota U.S.A, usap-usapan daw ngayon sa Kingdom ang hindi pagpagpapakita ni Quiboloy sa kanyang mga tagasuporta.

Sa kabuuan ay 11 araw na umano itong no show sa mga tagasunod ayon pa sa ulat.

May impormasyon din daw siyang natangap na lumipad ito patungong Dubai noong nakaraang linggo gamit umano ang kanyang private jet.

Sa YouTube Account huling nakita si Quiboloy noong January 2 sa kanyang Sounds of Worship sa Davao.

Hindi pa makumpirma ng Abante sa Bureau Immigration at Air Transportation Authority kung umalis nga ito ng Pilipinas.

Si Pastor Quiboloy at iba pa ay nahaharap sa patong-patong na kaso sa Estado Unidos kung saan kabilang na dito ang Sex trafficking at Visa Fraud. (Dave Llavanes Jr.)

Leave A Reply

Your email address will not be published.