Una sa Balita

NASA bilib sa abilidad ng mga Pinoy

0 237

Isang team ng mga scientist mula sa U.S. National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang bumisita sa Pilipinas kamakailan upang lumahok sa National Science and Technology Week (NSTW).

Sa kanilang pagbisita, nakisalamuha ang mga siyentista ng NASA sa mga Filipino scientist, engineering students at high school teachers at bumilib sa abilidad ng mga Pinoy.

Ang pagbisita ng mga NASA scientist ay isa sa mga mahalagang kaganapan ng ugnayan ng space program agency sa Philippine government kaugnay sa climate research at weather monitoring.

Sa opening ceremony ng NSTW noong Huly­o 17, namahagi ang NASA at U.S. Embassy ng 336 specialized lenses sa Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Science High School Program.

Ang lente na ginagamit sa pagtukoy sa uri ng lamok, ay nanggaling sa U.S. government funde­d Global Learning and Observations to Benefit the Environment (GLOBE) Program, isang inisyati­bang pinangungunahan ng Amerika upang labanan ang mosquito-borne disease sa 22 bansa, kabilang na ang Pilipinas.

Lumahok din si NASA Deputy Chief Techno­logist Florence Tan noong Hulyo 20, sa isang pa­nel discussion sa academics, scientist at mga opis­yal ng gobyerno ng Pilipinas, tungkol sa p­aggamit ng space technology.

Doon ay sinagot ni Tan ang mga katanungan tungkol sa space debris, posibleng pagbisita ng tao sa planetang Mars at ang mga programa ng NASA sa bansa.

Ang NSTW ay inorganisa ng DOST.