Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Narrative papatok

0 290

MAGTATAGISAN ng bilis ang walong bagitong kabayo paglarga ng Three-Year-Old & Above Maiden Race ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Inaasahang bebenta sina Narrative at magkakamping Bourne Wardeni at Kess Mai Doug sa event na may distansyang 1,300 metro.

Karamihan sa mga karerista ay si Narrative na rerendahan ni star jockey Jeffrill Zarate ang napipisil nilang horse-to-beat.

“Mukhang patok sa akin si Narrative lalo na si Tagulao (Zarate) pa ang hinete,” hayag ni Sonny Celeste, madalas na nasa pista ng Santa Ana noon para manood ng ensayo.

Ang ibang kalahok sa event na suportadoo ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ay sina Batang Cabrera, Hot Ticket, Always Dreaming, Ninong at Sweet Maxinne.

Tatanggap ng P40,000 ang owner ng unang kabayong tatawid sa meta, P10,000 ang hahamigin ng second placer habang P5,000 sa third. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.