Una sa Balita

Narinig sa tsismisan: Nagkalat ng fake tsunami alert hinuli

0 309

DINAMPOT ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang mag-ina na nagpa­kalat diumano ng nakaambang tsunami at mas malakas na paglindol.

Sa social media, nag-post ang 17-anyos na dalagita kamakalawa, hinggil sa diumano’y mangyayari pang sakuna tulad ng tsunami at lindol na mas malakas kumpara sa naranasan noong Miyerkoles. Lumikha ito ng panic sa ilang residente.

Inimbitahan ang dalagita at ina nito sa himpilan ng pulisya dahil sa paglabag sa RA 10639 o ‘The Free Mobile Disaster Alerts Act’.

Depensa naman ng dalagita, narinig lamang umano nito ang impormasyon sa kanyang ina na galing naman diumano sa tsismisan o usapan ng magkakapit-bahay.

Nanawagan naman ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga netizen na huwag mag-post o mag-share ng mga maling balita para maiwasan ang kalituhan at pag-panic.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy