Una sa Balita

Narindi sa bunganga ng misis, nagbigti

0 74

Nagawang wakasan ng isang cook ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na marindi sa kakatalak ng kanyang misis kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nabigo namang mai­salba pa ng mga doktor sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center­ (GABMMC), ang buhay ng biktimang si Sigfred Sy Piecco, may ka-live-in, ng 1320–B 101 Carlos­ P. Garcia St., Moriones Tondo.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-homicide section, bandang alas-4:30 ng madaling-araw, nang madiskubre ng isang Roderick, 35, at kapatid ng biktima na nakabitin ang leeg nito gamit ang lubid sa kanilang kisame.

Sa impormasyon nakuha ng pulisya, malimit umanong nag-aaway ang biktima at ang kinakasama nito kaya hinalang naburyo ito kaya nagpa­kamatay.

Gayunman, naniniwala­ ang mga kaanak ng biktima na wala namang foul play sa insidente, kaya hindi na nila ito pinaim­bestigahan pa, matapos pumirma­ sa isang kasulatan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy