Una sa Balita

Narco-list ‘wag gamitin sa pagpapahiya – Lacson

By
0 2,264

KINONTRA ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang paglalabas ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng listahan ng mga opisyal ng barangay na sangkot sa kalakaran ng droga.

“Only sufficient evidence that merits the filing of a criminal case can validate an intelligence report,” ayon sa senador.
Mistulang nag-lecture pa si Lacson sa pagsasabing ang intelligence report ay ginagamit lamang para sa case build up at hindi sa pagbibigay ng war­ning o pagpapahiya.

“In fact, the purpose of an intelligence report is to discreetly build up a case against the subject of such report, not forewarn or publicly humiliate him,” diin ni Lacson.

Tinawag naman ni Senador Gregorio ‘Gringo’ Honasan na premature ang paglalabas ng PDEA ng narco-list ng mga opisyal ng barangay.

“I objected to PREMATURE release not only of the narco-list but any list because of our historical propensity to try and convict institutions, groups and personalities by publicity, at the expense of due process and the rule of law,” sabi ni Honasan.

Iginiit ni Honasan na kung sadyang validated at mayroong mga sapat na ebidensiya laban sa mga nakasama sa narco-list, mas ma­kabubuting maghain na lamang ng kaso ang gobyerno.