Una sa Balita

Narco list sa Region 1 wala pang nalilinis — PDEA

By
0 352

PINASINUNGALINGAN ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na hindi pa cleared at hindi pa inaalis ang mga politikong may kaugnayan sa iligal na droga sa Pangasinan at La Union.

Ito ay reaksyon ni Aquino sa balitang lumabas na tinanggal na sa listahan ang mga politikong sangkot sa iligal na droga na sina Pangasinan 1st District Congressman Jesus Celeste; Naguilian, La Union Mayor Reynaldo Flores at Bauang, La Union Ma­yor Eulogio Clarence Martin de Guzman III, batay sa rekomendasyon ng Regional (Region 1) Peace and Order Council (RPOC).

“Fake news ito. Walang kapangyarihan ang RPOC na magtanggal ng mga pangalan sa listahan ng mga taong sangkot sa iligal na droga,” diin ni Aquino.

Idinagdag pa ni Aquino na tanging ang Pangulo ang maaaring magtanggal ng mga pangalan sa narco list batay sa rekomendasyon ng apat na ahensiya kabilang ang PDEA, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy