Una sa Balita

Naputukan sa Bagong Taon, 307 na — DOH

By
0 538

Umakyat na 307 ang mga nabiktima ng paputok sa bansa sa pagsalubong ng Taong 2019.

Nabatid na nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 19-bagong kaso pa ng fireworks-related (FWRI) cases mula alas 6 ng umaga ng Enero 3 hanggang alas 5:59 ng umaga ng Enero 4.

Sa pinakahuling report ng DOH, nalaman na ang 19-bagong kaso ay pawang nasugatan dahil sa paputok ay naitala sa Region 1 (8-kaso); Region VI (3); Region IV-A (3); National Capital Region (2); at tig-isa naman sa Regions III, XI at XII.

Sa kabila naman na nasa 307 ang bilang ng mga naputukan simula noong Disyembre 21, 2018, ay nananatili pa rin itong mas mababa ng 201 kaso o 40% kumpara sa mga naitala sa kahalintulad na period noong 2018 at 538 kaso o 64% na mas mababa sa 5-year average period.

Karamihan pa rin sa mga biktima ay mga lalaki na nasa 248, at nagkakaedad ng mula 2 hanggang 76-taong gulang.

Naitala naman sa 236 ang nasugatan at nalapnos, 10 ang kinailangang putulan ng bahagi ng katawan, 79 ang nagtamo ng sugat sa mata at dalawa ang nakalunok ng paputok.

Pinakamaraming nabiktima ang kwitis, 68, luces, 35, piccolo, 20, boga, 19 at 5-star, 16.

Samantala, tiniyak ng DOH na pawang nasa maayos nang lagay ang mga biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy