Una sa Balita

Napuruhan ng ASF! San Carlos City nasa state of calamity

0 409

KASUNOD ng patuloy na paglaganap ng African swine fever (ASF), dineklara na ang state of calamity sa San Carlos City, Pangasinan.

Sa resolusyon na ipinasa noong Miyerkoles, ang mga alagang baboy sa Brgy. Caboloan ay nagpositibo umano sa ASF at nais ng lokal na pamahalaan na protekhahan ang mga hog industry sa siyudad at resi­dente nito laban sa nakakahawang sakit ng baboy.

Layon din nito na makapaglaan ng pondo para sa paglaban kontra ASF. Kaugnay nito, nilagay sa lockdown ang lahat ng piggery na nasa one-kilometer radius.

Hinahanda na ng lokal na pamahalaan ang mga kagamitan para puksain ang sakit. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More