Una sa Balita

Napraning sa droga bahay sinunog

0 413

NAPRANING matapos maglasing at hinihinalang kargado din ng droga ang isang 29-anyos na lalaki na sinunog ang sariling bahay sa Tanza, Cavite.

Kasong Alarm and Scandal ang isinampa laban sa suspek na si Rector Enriquez, binata ng Bagong Pook, Brgy. Calibuyo, Tanza, Cavite dahil sa reklamo ng kanyang mga kapitbahay.

sa ulat ni PCpl. Nikko Paul Barranco ng Tanza Municipal Police Station, dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang sinunog ng suspek ang kanyang bahay na gawa sa mga light material.

Dahil dito, naglabasan lahat ang kanyang mga kapitbahay kabilang ang isang 74-anyos na lolang si Cirila dela Cruz, may-asawa, na bagama’t mahina ang katawan ay nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay sa takot na na madamay ang kanilang bahay.

Ayon kay Barranco, mabilis namang naapu­la ang apoy kaya wala ring nadamay sa mga katabing bahay.

Tinangka pa ng suspek na tumakas habang nasusunog ang kanyang bahay subalit naaresto ito.

Ayon kay Barranco, Alarm and Scandal lang ang isasampa sa kanya dahil wala namang ibang bahay ang nadamay. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More