Una sa Balita

Napoles lalong nadiin

By
0 2

Pinagtibay ng Korte Suprema ang paghahain ng mga kaso sa Sandiganbayan laban kay pork barrel scam mastermind Janet Napoles kaugnay sa iligal na paggamit ng pork barrel fund ni Dating Davao Del Sur Representative Marc Douglas Cagas.

Ayon sa SC, walang grave abuse of discretion sa panig ng Office of the Ombudsman nang itakda nito na may probable cause para kasuhan si Napoles.

Sa kanyang petisyon kinuwestiyon ni Napoles ang resolusyon ng Ombudsman na may petsang June 22, 2015 at February 10, 2016, sa nasabing desisyon, tinukoy ng Ombudsman na may probable cause para ipagharap si Napoles ng two counts ng kasong graft at two counts ng malversation of public funds dahil sa anomalya umano sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Cagas mula taong 2007 hanggang 2009 na nagkakahalaga ng P11M.