Napoles kinasuhan pa ng Ombudsman

By

Nadagdagan ang kasong kinakaharap ng tinaguriang ‘pork barrel queen’ na si Janet Lim-Napoles matapos mu­ling kasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa pagkakasangkot sa maano­malyang implementasyon­ ng pork barrel ng isang dating congressman.

Patong na patong ng kasong paglabag sa anti-­graft and corrupt practices acts, malversation of public funds at direct bribery ang naidagdag sa kaso ni Napoles na sa pagkakataong ito ay kasama nitong nakasuhan si dating Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina.

Bukod sa dalawa ay kinasuhan din ang mga dating opisyal ng Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) na sina Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Francisco Figura, Belina Concepcion, Marivic Jover, Maurine Dimaranan.

Kabilang din sa mga ipinagharap ng asunto­ ay sina Godofredo Roque, Carlos Soriano, Evelyn de Leon at France Mercado; dating Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Zenaida Ducut, at mga opisyales ng Department of Budget and Management (DBM) na sina Mario Relampagos, Rosario Nunez, Lalaine Paule at Marilou Bare.

Nag-ugat ang kaso sa P33.9 milyong halaga ng pork barrel ni Bate­rina na ibinigay sa non-government organization (NGO) ni Napoles para sa implementasyon suba­lit hindi naimplementa.

SHARE