Una sa Balita

Napoles, ina ni Trillanes dinawit sa maanomalyang helmet deal — Duterte

0 411

Ni Aileen Taliping

Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ina ni outgoing Senator Antonio Trillanes IV na si Estelita na sangkot sa maano­malyang pagbili ng mga Kevlar helmet para sa mga sundalo.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa oath taking ni Davao City Vice-Mayor Sebastian Duterte Biyernes nang gabi na sina Estelita at si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles ang nagdeliver ng mahinang klase ng mga Kevlar helmet sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ng Pangulo na noon pa man ay umiiral na ang korapsiyon sa gobyerno at hindi nakaligtas dito ang AFP.

“Remember yung Kevlar? It’s a helmet na matigas na hindi matamaan ng…kung bala hindi masyado maka-penetrate. That’s Kevlar. Ang nag-deliver noon ang nanay ni Trillanes, pati si Napoles. Yan ang totoo diyan,” anang Pangulo.

Kinasuhan noong 2001 si Napoles, kasama ang asawang si retired Marine Major Jaime Napoles ng graft at malversation of funds dahil sa maanomalyang pagbili ng 500 Kevlar helmet na nagkakahalaga ng P3.8 milyon subalit mahinang klase umano ang idineliber sa AFP.

Sinabi pa ng Presidente na sangkot ang nanay at tatay ng senador sa umanoy graft and corruption sa Philippine Military Academy (PMA), bukod pa sa pagiging supplier aniya ni Estelita sa Philippine Navy .

“Ang number one na graft and corruption diyan sa PMA, yung tatay niya, pati yung nanay niya,” dagdag pa ng Pangulo.

Binanggit naman ni Trillanes na inimbento lamang ni Duterte ang akusasyon laban sa kanyang magulang.

“Komo tameme si Duterte sa Recto Bank issue, Nanay ko naman ang pinagdiskitahan.Gaya na naman ito nung bintang ni Duterte sakin ukol sa offshore bank accounts na napaamin sya na inimbento lang nya. Panatiko o mahina magisip na lang talaga ang maniniwala pa sa taong ito.” tweet ni Trillanes kahapon. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy