Una sa Balita

Napikon kay Vivian Velez! Angel ipamimigay ang Kapamilya shares

0 790

Ang Abante ang unang naglabas sa tabloid ng tungkol sa mga artista na stockholder sa ABS-CBN. At yes, isa nga si Angel Locsin sa kanila, bukod pa kina Daniel Padilla at Kim Chiu.

At sa bagong Instagram post ni Angel, hindi niya itinanggi ang balita. Pero, hindi niya nagustuhan ang intensiyon ni Vivian Velez sa pagpu-post nito sa social media tungkol sa top 100 stockholders ng Dos.

Heto nga ang palaban na IG post ni Angel:

“I saw some posts and been reading accusations that were thrown at me for speaking up for what I think is right. Just to clear things up:

“1) I am not part of any political party, nor representing any politician.
“2) I do not have an existing contract with ABS-CBN. Therefore, the company has no control on whatever I want to post.

“3) Sorry to disappoint some people, but money is not everything. Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue. Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted.

“Again, money is not everything. (For your knowledge, Maliit lang po ito.

As in. It’s a privilege offer of the company to some of their employees in installment plan. Mine is payable for 5 years. Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, HINDI KO PA PO PAGMAMAY-ARI ANG STOCKS na yon.) “Nirerespeto ko ho ang opinyon ng lahat. Alam ko na magkakaiba man ng paraan, lahat naman tayo prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa. Yon naman po ang importante.”

***
Handa naming itama ang aming pagkukulang – ABS-CBN

Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap nga si ABS-CBN President at CEO Carlo L. Katigbak sa madlang pipol upang magbigay ng mensahe patungkol sa problemang kinakaharap ngayon ng Kapamil­ya network.

Sa TV Patrol nga niya napiling magsalita, magbigay ng mensahe, kasabay ang paghingi na rin ng suporta sa mga tagapagtangkilik ng Dos.

Heto nga ang kanyang mensahe:

“Mga kapamilya,

“Isa po ako sa labing-isang libong empleyado ng ABS-CBN na nagpapasa­lamat sa pagkakataong makapaglingkod sa inyo.

“Sa mga darating na araw, mabibigyan kami ng pagkakataong linawin ang mga isyu tungkol sa aming prangkisa. Wala po kaming nakikitang dahilan para hindi magtuloy ang paglilingkod ng ating ABS-CBN. Gayunpaman, kami ay handang sumunod sa anumang pro­seso na dapat pagdaanan ayon sa batas.

“Sa nakaraang 65 years, naging tapat po kami sa aming misyon na maging In the Service of the Filipino. Sa lahat po ng aming pinaglilingkuran, isang karangalan po na kami’y naging bahagi ng inyong tahanan at ng inyong pamilya. Sana po ang aming mga programa ay nagbibigay ng impormasyon, saya, pag-asa at inspirasyon sa inyo. Sana po nakatulong sa inyo ang mga serbisyo publiko ng ABS-CBN Foundation tulad ng Bantay Bata at Sagip Kapamilya.

“Serbisyo po ang layunin ng ABS-CBN. Ngunit kami po ay hindi perpekto. Nagkakamali din po kami at handa po naming itama ang anumang pagkukulang. Kasama ito sa proseso ng pagiging isang mas matatag na kumpanya.

“Sa aming mga mambabatas, nasa inyong kamay po ang kinabukasan ng ABS-CBN. Nagtitiwala po kami sa sinasabi ninyo na mabibigyan kami ng pagkakataong sagutin ang mga katanu­ngan ng mga mamamayan. Dinarasal din namin na makita ninyo ang mga kabutihang naidulot ng ABS-CBN sa bawat pamilyang Pilipino.

“Para sa mga kapwa ko empleyado sa ABS-CBN…mga Kapamil­ya, salamat sa inyong sipag at katapatan sa patuloy na pagbibigay serbisyo sa kapwa Pilipino. Alam ko po kung gaano kahirap magtrabaho habang kayo ay nag-aalala sa inyong hanapbuhay at nangangamba sa kapakanan ng inyong mga pamilya. Asahan ninyo po na gagawin namin lahat para matuloy ang serbisyo ng ABS-CBN.

“Para sa napakadaming nagpaha­yag ng suporta sa ABS-CBN, maraming-maraming salamat po. Ang mga pahayag ninyo ay nagbibigay sa amin ng tibay ng loob at lakas, lalong-lalo na sa oras ng matinding pagsubok. Asahan ninyo po na ipaglalaban namin ang pagkakataong ituloy ang serbisyo sa inyo.

“Sa mga darating na araw, hinihingi po namin ang inyong pa­nalangin na magtutuloy ang ating pagsasama. Sa ABS-CBN po, naniniwala kami na Family is Forever.

“Maraming Salamat, Kapamilya.
Carlo L. Katigbak
President at CEO
ABS-CBN Corporation

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More