Una sa Balita

Napatay na utol ni Kim Jong Un, informant

0 433

IMPORMANTE ng US Central Intelligence Agency (CIA) ang napatay na half brother ni North Korean leader Kim Jong Un na si Kim Jong Nam sa Malaysia noong 2017.

Ito ang nabatid sa ulat ng Wall Street Journal kahapon.

Ang impormasyon ay ipinagbigay-alam umano sa The Journal pero hindi pa malinaw ang iba pang detalye tungkol sa relasyon ni Kim Jong Nam sa CIA.

“There was a nexus between the CIA and Kim Jong Nam,” ayon sa ulat ng The Journal.

Ilang dating opisyal ng US ang nagsasabing ang half brother ng NoKor leader na nakatira sa labas ng North Korea ng ilang taon ay walang kapangyarihan sa Pyongyang kaya’t wala itong kakayahang magbigay ng mga sik­reto ng bansa.

Ang madalas umanong kontak ni Kim Jong Nam ay mga security services ng ibang bansa gaya ng China, ayon pa sa Journal.

Ayon sa mga South Korean at US official, ang mga North Korean authority ang nag-utos para itumba si Kim Jong Nam na kritikal sa kanyang dynastic rule ng pamilya subalit mariin itong itinanggi ng Pyongyang.

Dalawang babae ang inakusahan ng pag­lason kay Kim Jong Nam sa pamamagitn ng pagpapaamoy ng liquid VX, isang chemical weapon na naka-ban sa Kuala Lumpur airport noong Pebrero 2017.

Ayon pa sa Journal, bumiyahe si Kim Jong Nam sa Malaysia noong Pebrero 2017 para tagpuin ang kanyang kontak sa CIA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy