Una sa Balita

Napatay na OFW sa Kuwait sagot ng DFA

0 303

INIHAYAG kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sasagutin nilang lahat ng gastusin sa pagpapauwi ng mga labi ng overseas Filipino worker (OFW) na napatay ng kanyang employer sa Kuwait kamakailan.

Kaugnay nito ay nagpaabot ng pakikiramay ang DFA sa pangunguna ni Secretary Teddy Boy Locsin sa pamilya ng OFW na si Ma. Constancia Lago Dayag tubong Cauayan, Isabela matapos itong isugod at idineklarang dead-on-arrival sa Al-Sabah Hospital, Kuwait noong Mayo 14, 2019.

Ayon kay Embassy Charge d’Affaires Mohd Noordin Pendosina N. Lomondot, nagbigay na rin ng assistance ang Ministry of Foreign Affairs ng Kuwait para mailabas ang forensic report ng OFW.

Sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Kuwait, kukuha ang DFA ng abogado para masampahan ng kasong criminal ang employer ni Dayag.

Wala pang petsa kung kailan darating ang mga labi ni Dayag dahil sa pinoproseso pa ang mga papeles nito. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy