Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Napapanahong aginaldo ngayong Pasko

0 249

Una sa lahat, nais kong batiin ang mga kababayan kong Bicolano at buong sambayanang Pilipino ng isang maligaya at mapagpalang Pasko!

At dahil Pasko, napapanahon ang ating mga inihandang aginaldo. Kamakailan ay sinadya ng Ako Bicol Party-list ang Barangay Bagong Silang I, Labo, Camarines Norte upang pangunahan ang Blessing at Inauguration ng Level II Solar Powered Water Supply System.

Nakibahagi sa programa ang dalawang bagong nominees ng Ako Bicol Party-list na sina Atty. Jil Bongalon at Atty. Ramiro Borres. Kasama rin si Punong Barangay Manuel Cadiz, mga miyembro ng barangay council at kawani ng DPWH.

Ang pagtatayo ng water system ay isa sa mga pangunahing proyekto ng Ako Bicol Party-list upang makapagbigay ng malinis na tubig sa ating mga kababayan.

Ang kakulangan ng malinis na tubig ay pangunahing suliranin sa Bicol Region lalo na para sa mga nakatira sa bundok at matataas na lugar na hindi naseserbisyuhan ng mga government-run o private-owned water districts.

Kahit sa maunlad na lungsod ng Legazpi ay may mga lugar tulad ng Barangay Maslog na hirap sa pagkuha ng malinis na tubig. Hindi kasi sapat ang tubig poso upang punan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Kaya naman ang mga residente, nagti-tiyagang maglakad ng ilang kilometro makakuha lang ng malinis na tubig.

Sa pangunguna ng inyong lingkod at kasamahan nating si Congressman Alfredo A. Garbin, Jr., nagpatayo kami ng Level II Water Solar Powered System. Layunin nitong solusyunan ang problema sa tubig ng barangay upang ‘di na mahirapan ang mga residente sa pagkuha ng kanilang tubig na gagamitin.

Marami na po tayong napagawang solar powered water supply projects. Target nating makapagpagawa ng 200 ngayong 2021 hanggang sa susunod na taon. Nagkaroon lang ng kaunting delay sa proyekto dahil sa COVID-19 pandemic ngunit nailabas din ang P200 milyong pondo sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) kaya’t labis po akong nagpapasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Asahan po ninyong tatagal ng 25 taon ang mga ipinagawa nating solar-powered water systems sa Bicol. Mayroon po itong 3-stage filtration kaya’t para na rin kayong umiinom ng bottled water sa sobrang linis.

Bahagi rin ng ating pagdidiriwang ng Pasko ang ating ginawang gift giving sa Talisay, Camarines Norte; Castilla, Sorsogon; Baleno, Masbate; Bula, Camarines Sur at marami pang iba. Ang Ako Bicol Gift Giving 2021 ay may temang “Kaogmahan sa Kapaskuhan para sa Kaakian.”

Sa loob ng mahigit sampung taon, naging tradisyon na po ng Ako Bicol ang gift giving na nagbibigay kasiyahan sa mga bata. Handog ng Ako Bicol ang munting regalo na labis na ikinatutuwa ng mga bata.

Muli, binabati ko ko kayo ng Maligayang Pasko! Nawa’y panatilihin ninyo ang pag-iingat sa selebrasyon dahil nandiyan pa rin ang ‘di nakikitang kalaban na COVID-19. Hanggang sa muli, mga kababayan kong Bicolano!

Leave A Reply

Your email address will not be published.