Una sa Balita

Napagod: Duterte ‘di nakasipot sa meeting de avance ng HNP

0 250

By Aileen Taliping

HINDI nakasipot si Pangulong Rodrigo Duterte sa meeting de avance ng Hugpong ng Pagbabago sa Davao City kamakalawa nang gabi.

Napagod umano ang Pangulo dahil sa magkasunod na aktibidad noong Miyerkules, partikular ang command conference sa Moises Padilla sa Negros Occidental at campaign rally ng PDP-Laban sa Bohol.

Sinabi ni dating Special Assistant to the President Bong Go na napagod ang Presidente at kaila-ngan niyang magpahinga.

“Pagod lang. Marami kami nilakad kahapon,” ani Go.

Mismong ang anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte ang nag-anunsiyo sa mga dumalo sa meeting de avance na hindi makakarating ang kanyang ama pero nanonood aniya ito via livestream.

“The President won’t be here but he saw our event via livestream. He is thankful for all your support for his candidates,” ani Mayor Sara.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy