Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naomi ‘sinapian’ ni Kobe

0 85

RAMDAM ni Naomi Osaka si Kobe Bryant sa kanyang championship run sa US Open.

Habang ipinagdiriwang ang panalo kay Victoria Azarenka sa women’s singles final noong Sabado, nag-post ang 22-year-old tennis star ng larawan niyang nasa gitna ng Arthur Ashe Stadium, hawak ang trophy at suot ang No. 8 Los Angeles Lakers jersey ni Kobe.

“I wore this jersey every day after my matches. I truly think it gave me strength. Always,” caption ni Osaka.

Inamin ni Osaka sa reporters na malaking bagay sa kanya ang tiwala ni Kobe.

Nagkakilala ang dalawa noong June 2019, naging mentor daw agad ni Osaka ang NBA legend.

Kapag natatalo siya, laging may text si Kobe na nagpapalakas ng kanyang loob.

Nang mamatay si Kobe kasama ang dalagitang anak na si Gianna at pitong iba pa sa helicopter crash noong January, nag-share ng emosyonal na sulat si Naomi.

“Hey … I don’t really know what to do so I’m wrigint you this letter,” bahagi ng sulat niya.

“Thank you for being you. Thank you for inspiring people everywhere, you have no idea how many hearts you’ve touched. Thank you for being so humble and not acting as big as you are.” (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.