Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naobligang magpaliwanag: Bitoy binatikos sa suporta kay Digong

0 963

Sa halip na mag-focus sa pagpapagaling, napilitang magpaliwanag si Michael V. dahil sa isang fake news na kumalat sa social media tungkol kay Pangulong Duterte.

Ni-retweet ni Bitoy ang isang ad na nagpapakita ng kanyang suporta sa pangulo. Makikita na nilagyan ng mga bilog ang mga punto na naglilinaw ng campaign at post ni Bitoy ay noon pang 2016.

Binabakbakan ng mga batikos, lait at insulto si Bitoy dahil sa fake news, kaya kahit kailangan pang magpahinga nang husto ng Kapuso comedian naglinaw na ito agad.

“I posted more than 4 years ago nu’ng nanalo si Digong as President, to encourage people to accept and respect the election results, consistent with the “Dapat Tama” campaign na ginawa ko with GMA Network. To set the records straight, it’s not a recent post.”

Naintindihan naman ng mga follower ni Bitoy ang paglilinaw, pero bitin ang mga itong malaman ang estado kung kumakatig pa rin ba sya sa Pangulo o hindi na?

Walang sinagot si Bitoy sa mga comment kung ano na ang stand nito ngayon?

 

Lea pumalag sa diskriminasyon

Naninindigan si Lea Salonga para sa buong Asian na nagsa-suffer ngayon ng discrimination dahil sa COVID-19.

Ni-retweet niLea ang post ng ilang asyana na nagpapahayag na sila ay tao at hindi virus. Ang nasabing post at mula kay Alan Yan, na may kalakip na video tungkol sa Anti-Asian Racism.

“The pandemic has exposed a terrible strain of anti-Asian sentiment all over the country. I worked with the @adcouncil and some wonderful subjects and crew members to shoot this piece remotely and raise awareness. Please share and help stop the spread of Anti-Asian Racism.”

At hirit ni Lea: “Fight the virus. Fight the bias. Thank you for this, @AlanYang.”

 

Eat Bulaga nagpakalat ng prayer video

Mas naging espesyal ang 41st anniversary ng Eat Bulaga dahil sa only child nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Pinoste ni Pauleen sa Instagram ang short video ng anak na si Tali na kinakanta ang theme song ng Eat Bulaga.

Sinimulan ng bata sa “Isang Libo’t, isang Tuwa, Buong Bansa…”

Sa huling parte, tinakpan ni Tali ang kanyang mukha at saka sinambit ang “Eat Bulaga”.

Samantala, isang prayer video ang ginawa ng EB bilang bahagi ng kanilang thanksgiving sa anniversary nila at para na rin sa buong bansa laban sa Covid 19. Pinoste ito ni Joey de Leon sa Instagram wall niya.

Daniel ibinalandra ang batuta sa IG

Para mai-promote ang isang brand ng underwear mula sa make up at clothing apparel na iniendorso ni Daniel Matsunaga, nagpabakat ito sa kanyang Instagram.

Halos himatayin ang mga follower ni Daniel sa pagkakabalatay ng kanyang patola sa suot na boxers. Hubog na hubog ang alaga ng Brazilian actor sa suot niya dahil sa liwanag ng araw.

Mababasa sa mga comment ang panunuyo ng lalamunan ng mga fan dahil sa nakabalandrang batuta ng aktor.

 

Jake nawala sa sarili

Nawala sa sarili si Jake Cuenca dulot ng mga iniisip at nararanasan sa kasalukuyan. Mapapanood sa Instagram ni Jake ang pagkain nila ni Kylie Versoza sa isang resto.

Maririnig ang malakas na tawa ni Kylie sa nakikita niyang ginagawa ni Jake sa pagkain. Isa-isang inililipat ni Jake sa plato niya ang pagkain mula sa serving bowl.

Sa pagitan ng tawa ni Kylie, sinasabi nitong “boo, the plastic, the plastic.”

Nang sundutin ng aktor ang plato, may plastic pa pala ito na hindi nya napansin. Hindi nya tinanggalan ng plastic ng plato bago nya ito gamitin.

“Yung hindi ka na sanay makipag-date sa labas,” sabi ni Jake.

Leave A Reply

Your email address will not be published.