Una sa Balita

Nanginig sa lamig: Sue Ramirez nag-pekpek shorts sa Korea

0 404

abante-i-know-better-jun-nardo
Hindi kinaya ni Sue Ramirez ang super lamig na klima sa South Korea para sa shooting ng Filipino-Korean co-production ng pelikulang “Sunshine Family” mula sa Spring Films at Film Line Pictures Productions LTD.

“Na-try ninyo na bang mag-pek-pek shorts sa three degrees na lamig? Sorry, micro mini pala.

“Nag-short shorts ako. ‘Yun na lang. Sa lamig ng Korea outdoor!” pahayag ni Sue sa presscon ng movie.

Personal na pinili ng Korean Tourism Organization si Sue para sa role dahil sa pagi-ging South Korean honorary tourism ambassador since 2016.

Bukod sa lamig, naranasan din ng cast kabilang sina Nonie at Shamaine Buencamino na maidirek ng Korean director na si Kim Tai Sik. Mula sa 1992 award-winning Japanese film na “Hit-and-Run Family” ang 10th year offering ng Spring na naghatid sa publiko ng “Kimmy Dora” trilogy at super-blockbuster na “Kita Kita.”

Dahil kay Kuya Germs: Ken Chan humagulgol sa concert

Nakakaiyak ang naging pag-alaala ni Ken Chan sa kanyang yumaong manager sa nakalipas na “My Special Love- #BoBreyinCONCERT” noong Sabado, Mayo 11. Inalay ni Ken ang isa sa kanyang performances para sa tinaguriang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

Successful ng concert nila ng ka-tambal na si Rita Daniela dahil inulan ito ng suporta ng fans at kapwa Kapuso stars. Para sa mga hindi nakanuod, ‘wag kayo malungkot dahil ipapalabas ito sa GMA’s “Sunday Night Box Office” sa darating na Mayo 26!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy