Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Nanginig ako’ Zanjoe na-trauma sa eksena kay Jodi

0 519

Sa kalagitnaan ng interview ko kay Zanjoe Marudo para sa teleserye niyang ‘The Broken Marriage Bow’ na kung saan ay kasama niya sina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, biglang nanginig ang boses, katawan ng actor.

Pinakuwento ko kasi kay Zanjoe ang isang matinding eksena, na kung saan ay binugbog niya si Jodi, at nasaksihan ni Zaijian. Para kay Zanjoe, pinakamahirap na eksena `yon, dahil puno ng emosyon, galit, at may pisikalan pa sa pagitan nila.

“Pinakamahirap na eksenang ginawa namin ‘yon, mabuti na lang medyo kalagitnaan na ng taping noong ginawa namin `yon ni Jodi, na pasok na pasok na kami sa mga character namin.

“Nagtanong-tanong ako sa mga co-stars ko kung nangyayari talaga, na may ginugulpi ba talaga na mga babae.

“Yung ginawa namin ni Jodi na scene na `yon…” sandaling napatigil si Zanjoe.

“Hala, nanginginig ako, habang inaalala ko `yon,” sabi niya.

“Sa sobrang intense kasi, may nabubuksan kang emosyon na hindi mo naman nararanasan sa tunay na buhay.

“Hindi ko naman yon nararamdaman sa totoong buhay, pero dahil sa role ko, sa trabho ko, nabubuksan. After noong scene nayon, gabi ginawa ‘yon, kinabukasan na, nandoon pa rin ako sa character, nanginginig pa rin ako.

“Medyo traumatic ang nangyari,” sabi ni Zanjoe.

Well, ang mga bitbit na pang-acupuncture raw ni Jodi ang nakatulong sa kanila para mabawasan ang nginig, tensiyon. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.