Una sa Balita

Nanggigil sa puwet ng bebot himas-rehas

By
0 742

HIMAS-REHAS ang isang 46-anyos na factory wor­ker makaraang manghipo ng puwet ng isang babae, nagmura at naghamon pa sa isang pulis sa Rosario, Cavite.

Sa kulungan na nahimasmasan sa sobrang kalasingan ang suspek na si Hilton Andrade ng Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite dahil sa reklamo nina PO1 Rico Cabahug, ng Rosario Police Station; Lyka Ann Roldan; kapatid nitong si Leora Roldan at Marjorie Cabahug, pa­wang resi­dente ng Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite.

Sa reklamo ng magkapatid na Lyka at Leora kay Patrolman Joey Luz Puluzan ng Rosario Municipal Police Station, namimili silang magkapatid sa isang night market sa CCAT Road, Brgy. Tejeros Convention dakong alas-12:15 nang madaling-araw nang bigla umanong hinipuan sa puwet si Lyka ng suspek.

Hindi naman ito pinansin ni Lyka sa pag-aakalang nabangga lamang nito ng suspek kaya nagpa­tuloy ito sa pamimili, subalit tila nanggigil pa si Andrade at muling sinundan si Lyka at muling pinisil ang puwet nito kaya sinigawan niya ang suspek.

Sumaklolo ang kapatid ni Lyka at nagsumbong sa kapitbahay nilang si Marjorie na asawa ng pulis.

Mabilis na rumesponde naman si PO1 Cabahug subalit maging siya ay pinagmumura na dahilan upang tuluyang bitbitin at ipasok sa kulungan ang suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy