Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nangangati na ba ang paa mong bumiyahe?

0 247

Likas sa tao ang naghahanap ng bago – bagong gamit, bagong pagkain at bagong lugar na makikita. Gusto kasi natin ng bagong karanasan. Kaya’t karamihan ay naiinip na sa loob ng bahay at nangangating mamasyal.

Ang utak ng tao ay sensitibo sa bago – nakaka-excite ang bagong kapaligiran at karanasan.

Malaki rin ang epekto ng pagpunta sa bagong lugar sa personalidad ng isang tao. Nakikiayon kasi siya sa kaugalian at uri ng mga tao sa kanyang pinupuntahang bagong lugar kaya natututo siyang makisama at maging katanggap-tanggap. Kaya nga ‘yan ang madalas nating marinig sa mga kababayan nating nasa abroad – kapag nasa ibang bayan sila, ang babait at disiplinado.

Nakakatulong din ang bagong lugar sa pagtanggal ng stress. Busog ang mga mata mo sa bagong nakikita at pakiramdam mo ay walang naghahabol sa iyong trabaho kapag ikaw ay namamasyal sa bagong lugar.

Unti-unti nang binubuksan sa publiko ang mga sikat na pasyalan sa bansa tulad ng Boracay, Baguio at Tagaytay kahit na mataas pa rin ang bilang ng nagkakatoon ng Covid 19 sa bansa. Kailangan na kasing umandar ng ekonomiya at marami na rin ang gustong makakita ng bagong lugar, at hindi lang ang apat na sulok ng kanilang bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinapayagan na rin ang mga Pinoy na makalabas ng bansa, hindi lang para magtrabaho, kung hindi para rin mamasyal. ‘Yun nga lang, marami pa ring paghihigpit lalo na sa bahaging medikal. Hindi ka puwedeng bumiyahe na wala kang negative result mula sa Covid 19 test. At ika-quarantine ka kapag nakaramdam ka ng kahit mild symptoms lang ng sakit.

Hindi rin lahat ng bansa sa buong mundo ay tumatanggap na ng mga Pilipinong biyahero. Sa pinakahuling ulat ng Department of Foreign Affairs, 30 bansa pa lang ang tumatanggap sa turistang Pinoy at ito ay ang Antigua and Barbuda, Bahamas, Mexico, USA, Bangladesh, Cambodia, Malaysia, Maldives, Micronesia, Mongolia, Nauru, New Zealand, Papua New Guinea, Republic of Korea, Singapore, Andorra, Azerbaijan, Belarius, Montenegro, Serbia, Turkey, Ukraine, Egypt, Eswatini, Ethiopia, Iran, Lesotho, Mozambique, United Arab Emirates, at Zambia.

Pero kahit na bukas ang mga bansang ito sa turistang Pinoy, problema pa rin kung may bumabiyahe nang eroplano sa mga lugar na ito.

Hindi ka rin sigurado kung hindi ka makakakuha ng Covid 19 lalo na at ang papasyalan mong bansa ay marami pa ring kaso ng virus.

Sa huling ulat noong Oktubre 14, labing-isang bansa lang sa buong mundo ang nagsasabing wala pa rin silang kaso ng Covid. Kabilang dito ang North Korea, Turkmenistan, Vanuatu, Samoa, Kiribati, Federated States of Micronesia, Tonga, Marshall Islands, Palau, Tuvalu at Nauru. Tanging ang Nauru lang ang tumatanggap ngayon ng mga Pilipinong biyahero. Pero good luck kung makakahanap ka ng eroplanong didiretso sa Nauru.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.