Una sa Balita

Nanganganib si Wesley

0 264

NALAGAY sa alanganin si super grandmaster Wesley So matapos yumuko kay GM Shakhriyar Ma­medyarov ng Azerbaijan kahapon sa semifinals ng 2nd Grand Prix Series Knockout 2019 sa Jurmala/Riga, Latvia.

Sumuko si 25-year-old So sa 34 moves ng Queen’s Gambit sa Game 1 ng classical game, kailangan ng Pinoy na manalo sa pangalawang laban upang makahirit ng tie-break games na Rapid.

Tabla ang posisyon nang magkamali si Imus, Cavite native So sa 15th move nang isulong nito ang c3, dito nag-umpisa ang paghina ng kanyang depensa.

Apat na lang silang natitira sa 16 player na kasali kung saan ang magkakampeon ay magkakaroon ng pagkakataon na makalaro sa World Championship, ang may hawak ng korona ay si GM Magnus Carlsen ng Norway.

Ang mananalo kina So at Mamedyarov ay makakaharap sa finals ang mananaig sa pagitan nina GM Maxime Vachier-­Lagrave ng France at Ale­xander Grischuk ng Russia. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy