Una sa Balita

Nangangamoy SEAG na

0 305

Palapit na nang palapit ang 30th Southeast Asian Games 2019 na sisipa sa Nobyembre 30-Dis­yembre 11 sa iba’t ibang venue sa bansa.

Kahapon ay nagpaunlak ng panayam sa ilang miyembro ng media si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Team Pilipinas Chief of Mission William ‘Butch’ Ramirez. Sinabi niyang tuloy na tuloy na ang ikaapat na hosting ng bansa sa biennial meet bagaman may ilan pang isyu na dapat resolbahin gaya ng internet connectivity.

“Totoo iyan, I already receive some report. Sabi nga nila, photo finish na naman tayo. But I am not worried. But I leave it to the Phisgoc. Although I feel worried and concerned as part of the go­vernment, I am confident that magagawa natin agad mareresolusyunan ang mga iyan,” sambit ng masipag na PSC chief.

Naniniwala tayo na magiging maayos at matagumpay ang hosting natin sa kada-dalawang multi sports event dahil lahat ng ahensiya ng gobyerno, partikular ang PSC, Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ay nagtutulungan upang maging maayos ang lahat.

Ang kulang na lang siguro, sa aking palagay, ay ang pag-drumbeat sa SEA Games.

Bukod rito, nakikita naman natin na puspusan ang ginagawang preparasyon ng Pilipinas.

***
Isang malungkot na balita sa mundo ng sports at sector ng pagnenegos­yo ang pagpanaw na kahapon, Lunes, ni University of the East (UE) Red Warriors coach Lucio ‘Bong’ Tan Jr. na kaka-appoint lang bilang chairman ng PAL Holdings.

Nakikiramay po ang Abante at ang inyong lingkod sa ‘di inaasahang biglaang pagkamatay ni Mr. Tan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy