Una sa Balita

Nangangaliwa ang asawa (2)

0 831

Dear Dra Holmes:
Isa po akong ofw paano po ba malalaman kung nangangaliwa ang asawa? Kasi may nariri­nig ako na mga bagong term nya ngayon ko lang naririnig sa kanya. Dapat na po bang basehan yan na nangangaliwa ang asawa ko? Dr. Please reply po! Salamat Dr. Holmes. More power po! Manny

Dear Manny:
Maraming Salamat sa sulat mo na una ­nating pinublish noong Biyernes, Pebrero 22. Doon, sinabi ko na isang pahiwatig ay hindi garantisado na nangaliwa ang asawa mo.

Ikalawa, aminin na­ting lahat na napakahirap maging OFW, at nagmamalasakit lang ang mga OFW at ang pamilya nila para sa kabutihan ng kanilang pa­milya. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon nga pamilya ng OFW ay paghiwalay sa mag-asawa, lalo na kung may motibo ang ibang tao para maghiwalay ang 2. Madalas (pero hindi lagi) ang isa sa pinaka pangkaraniwang (common) salarin (culprit)­ para magduda ang OFW sa kanyang asawa ay ang kaniyang mga kamag anak sa dugo na inaasahan na ang suweldo ng OFW ay mapadala sa kanila sa halip na mapadala sa asawa.

Maaari ring ito ay isang karibal ng OFW o ng asawa niya na gustong maghiwalay sila para may pag-asa ang karibal na palitan ang asawa para sa kaniya.

Dahil malungkot ang OFW at naghihirap pa ng sobra, madali para sa kaniya magalit, magselos, at magduda sa kanyang asawa kahit wala namang tunay na basehan para rito.

Hindi ko kilala ang asawa mo, dearest­ Manny, kaya wala akong masasabi tungkol sa probabilidad na magloloko siya. Depende ‘yan sa maraming bagay.

Ang alam ko lang ay napakadali para sa OFW magduda sa asawa kahit konti lang ang basehan. Inaasahan ko na, bago mo ihusga ang asawa mo ay tumingin ka ng mas malalim sa mga dahilan na may duda ka sa kanya. Napaka sayang naman na masira (sa tampo, galit, sama ng loob) ang inyong relasyon dahil lamang sa isang dahillan (na maaaring walang basehan). Inaasahan kong nakatulong ako sa iyo, Manny. Ingat—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes
http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy