Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nanganak na: ‘Ang saya maging nanay!’ — Assunta

0 253

Nakapanganak (Oct. 23 ng umaga) na si Assunta de Rossi.

Isinilang ni Assunta si Baby Fiore o Giulia Florentina Alessandra sa isang hospital sa Makati City.

May timbang na 5.12lbs.

“Good morning. Nakapanganak ka na?” ang message ko kahapon ng 6:30am kay Assunta sa pamamagitan ng WhatApp na sinagot naman niya kaagad nang, “Hindi pa”.

“Pero kagabi pa ako dito sa hospital. Pero papunta na ako sa delivery room. Manganganak na ako. Balitaan kita mamaya!” dugtong na sabi niya.

Bandang tanghali nga nang mag-message sa akin si Assunta at ok naman daw siya. Nagpapahinga siya at ipinadala rin niya sa akin ang picture ni Baby Fiore na pagkaganda-ganda.

“Heto siya, pero kapag may matinong picture na ako ni Baby Fiore, puwede mo na ilabas!” sabi ng first time mother.

Nang tanungin ko si Assunta kung what time siya exact nanganak, hindi pa niya masabi dahil…

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Medyo groggy pa kasi ako kanina, kaya hindi ko pa nakukuha ang lahat ng details.

“I’ll ask later and kuwento ko sa‘yo,” sabi niya.

Sobrang happy raw sila ng mister na si Jules Ledesma sa pagdating ni Baby Fiore.

“Ang saya. Finally!

“Si Jules, nandito sa hospital. Nakita na niya si Baby Fiore!” sabi pa ni Assunta.

Katulad nang naunang pahayag ni Assunta, hindi muna sila tumatanggap ng bisita.

Bawal din ang bisita sa hospital at sa bahay naman nila pag-uwi nila ni Baby Fiore ay bawal din muna ang mga bisita dahil nga sa COVID-19 pandemic para siguradong safe sila from the virus.

Samantala, masayang-masaya ang pamilya Ledesma at pamilya Schiavone (pamilya ni Assunta) sa pagdating ni Baby Fiore.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.