Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nang-indiyan sa kasal, pinagbayad ng groom-bride

0 14

Dahil sa di pagsipot matapos um-oo sa kasal, `multa’ ngayon ang abot ng mga nang-indiyan.

Ipinarating ng bagong kasal ang kanilang pagkadismaya sa mga kaibigang kanilang inimbita pero `no show’ sa mismong araw, sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga ito ng invoice ng dapat bayaran.

Sina Doug Simmons, 44, at Dedra McGee, 43, ng Chicago ay nag-imbita ng 109 guests sa kanilang fairytale wedding reception sa Royalton Negril Resort & Spa sa Jamaica. Pawang nag-confirmed naman ang mga bisita subalit hindi rin nagsipunta.

Sa buwisit ay siningil ng mag-asawa ng “absentee meals” ang mga guests – $120 kung isa at $240 sa plus-one.

“The amount above is the cost of your individual seats. Because you didn’t call or give us proper notice that you wouldn’t be in attendance, this amount is what you owe us for paying for your seat(s) in advance. You can pay via (payment app) Zelle or PayPal. Please reach out to us and let us know which method of payment works for you. Thank you!” nakasaad sa invoice .

Nagdesisyon ang mag-asawa na maningil dahil marami naman anilang pagkakataon na abisuhan silang bawiin ang pangako o hindi na makakadalo sa reception para wala umanong nasayang na pagkain at hindi na rin sana sila gumastos ng bongga. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.