Una sa Balita

Nang-agaw na ng trabaho, mga Chinese may senior citizen ID pa!

By
0 9,255

TUMAAS ang kilay ng editor ng isang diyaryo nang makasabay niya ang dalawang Chinese sa UV Express at humingi ng discount sa pamasahe dahil mga senior citizen sila.

Pauwi na si Bernadette at biyaheng NAIA-­Sucat ang sinakyan niyang UV Express nu’ng Sabado ng hapon.

Sinabi ng dalawang intsik na senior daw sila kaya hiningan na lang sila ng driver ng UV Express ng ID at parehong naglabas ng senior citizen ID ang dalawang intsik.

Masama ang loob ng driver pero binigyan pa rin niya ng discount ang dalawang dayuhan habang napapabuntong hininga na lang ang iba pang mga pasaherong Pinoy.

Sabi ni Bernadette, parepareho sila nang sentimiyento na ang dudugas ng mga intsik.

Sinabi na lang ng driver na wala siyang magagawa dahil may ID nga sila. Dagdag pa ng driver, pangalawang beses na itong nangyari sa kanya na binawasan ng mga intsik ang kanyang kita dahil sa senior citizen discount. Mahirap nga naman makipag-usap sa kanila dahil hindi marunong mag English pero may mga dalang senior citizen ID.

Tinatanong tuloy ng mga kaibigan ni Bernadette kung paano nakakakuha ng senior citizen ID ang mga ito kahit na hindi naman sila senior citizen at hindi rin sila Pinoy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy