Una sa Balita

Nanette Medved nag-donate ng 8 classroom sa Marawi

0 503

GOOD NEWS ang hatid ng dating sikat na aktres na si Nanette Medved-Po sa mga kababa­yang apektado ng kaguluhan sa Marawi City.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay ibinahagi ni Medved ang ginawang donasyon ng walong silid-aralan sa Marawi City.

“So happy to be able to turn over 8 classrooms here in Marawi today,” naka-post sa Instagram ni Medved-Po.

Si Medved na isa ng social entrepreneur ay nagpasalamat sa Generation Hope, isang social enterprise na nagbahagi ng kanilang kita mula sa Hope Bottle water para makapagpagawa ng mga public school sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Thank you to the Maranao for your heart warming hospitality especially given the circumstances,” dagdag ni Medved-Po.

Mistula namang naging inspirasyon sa iba pang celebrity ang kabutihang-loob ni Medved.

Isa si Iza Calzado sa humanga sa kabutihan ng kalooban ni Medved.

“You’re such an amazing woman! Congratulations to you and Team Hope!” komento naman ni Calzado.

Nabatid na bukod sa kanyang social work sa Generation Hope ay bahagi rin si Medved ng advisory board ng ABS-CBN social welfare program Bantay Bata at ng national advisory council member of World Wide Fund for Nature (WWF). (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy