Una sa Balita

Nanduro kasi! Claudine inaming sinampal si Marjorie

By
0 931

Ikinuwento ni Claudine Barretto ang kanyang bersyon sa nangyaring away sa pagitan nila ng kapatid na si Marjorie.

Si Marjorie daw ang naunang nangbuyo sa kanya, sinabi na tila naasar ang kanyang kapatid dahil tingin nito ay nagtawag sila ni Gretchen ng reporter tungkol sa away ng magkapatid sa lamay.

Ito ay may kaugnayan sa nangyari noong kinagabihan na unang salpukan ni Greta at Marj.

Saad ni Claudine, patuloy umano ang pang-iinis sa kanya ni Marjorie, ginagawa pa umanong biro ang kanyang anxiety disorder.

Pinagtawanan lang ni Claudine ang pang-aasar ng kapatid, na hindi nagustuhan ni Marjorie.

“So napikon na siya kasi pinagtatawanan na lang namin. Tapos nakaupo ako noon and sabi niya, ‘Ano lalaban ka? Lalaban ka?’ So tumayo ako. Sabi ko, ‘Oo, lalaban ako.'” ayon kay Claudine.

It was that point that it became physical. “Dinuro niya ako sa ulo… Ayon na, sinampal ko siya talaga.”

Sey ni Clau, hindi umano niya gustong ipakita sa mga anak na kinakaya-kaya siya ng kahit sino kaya gumanti sa kapatid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy