Una sa Balita

Nancy titira sa ‘Pinas para kay James

0 787

Tuloy na tuloy ang project nina James Reid at Momoland member Nancy, ang “The Soulmate”.

Sa interview ni ABS-CBN reporter MJ Felipe, ikinuwento ni Nancy na nagsimula na siyang mag-(acting) workshop na mag-isa, pero may gagawin din daw silang workshop ni James na magkasama.

Siyempre, mamamalagi muna si Nancy sa Pilipinas habang nagsyusyuting sila ni James. At possible rin daw na mag-shooting sila sa Korea.

Sa February nga raw sila magsisimulang mag-shooting ni James.

Masaya raw si Nancy na makakagawa siya ng project dito sa Pilipinas.

Anyway, kapansin-pansin lang na mahigpit talaga ang mga handler ni Nancy, dahil habang nag-i-interview si MJ, pinagbabawalan talaga ang mga tao sa paligid na magtutok ng kanilang mga cellphone camera kay Nancy, ha!

Bongga!!!

Elmo-Gerald-Carlo teleserye pinadapa ang kalaban

Maraming Pilipino ang naantig sa makatotohanang kuwento ng dedikasyon at kabayanihan ng mga sundalo sa “A Soldier’s Heart”, kaya naman nanguna sa national TV ratings sa unang linggo nito.

Ayon sa datos ng Kantar Media, tinutukan mula Lunes (Enero 20) hanggang Biyernes (Enero 24) ang serye at nagtala ng pinakamataas na national TV rating nito na 19.8% noong pilot episode nito, kumpara sa katapat nito na “One of the Baes” (11.7%).

Namayagpag din online ang serye matapos itong umani ng sari-saring papuri mula sa netizens na humanga sa mga bidang sina Alex (Gerald Anderson), Elmer (Vin Abrenica), Benjie (Yves Flores), Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash Aguas), Phil (Jerome Ponce), at Jethro (Elmo Magalona) na nakipagsapalaran para sa pangarap nilang maging sundalo.

“Thank you @RCDNarratives for creating this kind of show… maraming aral, marami kang matututunan at nagpapakita rito yung sakripisyo ng mga bayani nating sundalo, makabuluhan na serye,” sabi ng Twitter user na si @IMeowsYou.

“Ang masasabi ko lang ay napakaganda nitong teleserye na ito. Kaya naman super tagal bago naipalabas dahil talaga namang pinaghandaan at pinag-isipan mabuti. Nag-research at talagang inaral nila lahat,” papuri naman ni @elmomags27.

“Nae-excite ako sa story nitong A Soldier’s Heart. Pinapakita yung reasons at struggles ng bawat sundalo. Very realistic. Dumaan talaga sila sa totoong training,” komento naman ni @roanlangnaman.

Samantala, matinding rebelasyon agad ang matutunghayan ng mga manonood dahil magtatagpo na ang landas nina Alex at kanyang tunay na kapatid na si Saal (Sid Lucero) ngunit bilang magkalaban sa napipintong bakbakan ng mga sundalo at rebelde.

Ito na nga ba ang hinihintay na kasagutan ni Alex sa mga katanungan niya tungkol sa kanyang pagkatao?

Bukod sa “A Soldier’s Heart,” isa ring pamamaraan ng pagbibigay-pugay ng ABS-CBN sa mga sundalo ang “Saludo sa Sundalong Pilipino,” isang public service event kung saan binibisita ng Kapamilya stars ang iba’t ibang kampo upang pasalamatan ang katapangan at sakripisyo ng mga sundalo para ipagtanggol ang bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More