Una sa Balita

Nancy sa IATF: P100K singil sa cremation aksyunan

0 353

“It may sound morbid, pero kailangan din i-address ng IATF yung mga hinaharap na problema ng mga pamilyang namatayan dahil sa COVID-19.”

Ito ang inihayag ni Senador Nancy Binay kasabay ng pagsabing dapat tugunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kakulangan ng malinaw na protocol sa paghawak ng COVID-related fatalities, kabilang ang storage, cremation at tulong sa pamilya nito.

Ayon sa senador, nahihirapan ang mga pamilya ng mga pasyenteng namatay sa COVID-19 na makakakuha ng death certificate dahil hindi alam ng ilang LGUs at barangay officials kung paano ang protocol para dito.

“Sa ngayon pa lang, sana iresolba na natin ito. Ano ang pwede nating magawang ayuda sa mga pamilya? Paano kung walang-wala?

Paano ang pambayad sa punerarya para sa cremation? Sino ang mag-aasikaso ng mga requirement? Paano na kung wala na gustong tumanggap na crematorium?” tanong ni Binay.

Dahil wala aniyang malinaw na panuntunan ang IATF para dito, may ulat na ilang pribadong crematorium ang humihingi ng P100,000 para cremation ng labi ng COVID-19 positive.

“Sa nangyayari sa buong mundo ngayon, it’s never a good time to die. Malungkot at wala kang karamay. Di ka makapagpaalam man lang sa iyong mga mahal sa buhay,” sabi ng senadora.

“Wala kang last rites, or proper burial. Kaya nakakagalit yung meron kang mababalitaang mga nananamantala para pagkakitaan ang pamilyang namatayan,” wika pa nito.

Sa ilalim ng DSWD Revised Guidelines on AICS para sa burial assistance, ang ahensiya ang magbabayad ng bahagi ng funeral cost at ang pamilya naman ay tatanggap ng P10,000 assistance kahit na hindi sila nagsumite ng case study report.

“Tugunan naman sana ng IATF ang pagbigay ng tuon sa isang worst case scenario para di tayo matulad sa Italy o US. Nakakalungkot kasi wala na ngang pagdadalamhati sa patay, wala pa rin bang kahit konting simpatya’t malasakit doon sa mga nabubuhay?”” himutok ni Binay. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More