Una sa Balita

Nancy hindi mananahimik sa Boracay closure

By
0 2,511

HANDA si Senador Nancy Binay na tumugon sa resolution ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na imbestigahan ang tunay na motibo sa pagpapasara sa Boracay Island.

Ayon kay Binay, bagama’t hindi pa nito nakikita ang resolution ni Trillanes, handa siyang magsagawa ng pagsisiyasat sa isyu sa sandaling i-refer ito sa kanya.

Si Binay ang chairperson ng Senate Committee on Tourism na nagsasagawa rin ng pagsisiyasat sa nangyaring pagsalaula sa Boracay Island.

Ayon kay Binay, posible nila itong simulan sa pag-iimbita sa mga kaukulang ahensya upang magbigay ng linaw sa sinasabing casino construction sa isla.

Nais ding malaman ng Senador ang plano sa pagsasailalim sa rehabilitasyon sa Boracay.

“I haven’t seen the reso, but should it be referred to my committee, perhaps we can start inviting the appropriate agencies to shed light on the reporter casino construction, and walk us through what led to the decision to close Boracay,” saad ni Binay.

Sa Senate Resolution 705, iginiit ni Trillanes na dapat busisiin ng Senado ang master plan, kasama na ang rehabilitation, relocation at livelihood plans sa Boracay closure.