Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nanay todo-effort, anak ginawan ng nilupak cake

0 12

Naantig ang maraming netizen sa ginawang effort ng isang ina sa Maasin, Southern Leyte para lang mapasaya ang kanyang bunso sa kaarawan nito.

Hirap kasi sa buhay sina nanay Lea Orito Cruza kaya naman gumawa na lamang siya ng nilupak na saging na hinulma niyang parang cake para sa ika-11 kaa­rawan ng kanyang anak na si Lixter.

Ang nasabing cake ay pinatungan ng ‘Happy birthday’ candle, at ng chocolate icing na nakasulat ang ‘Lixter @ 11.’

Simple lang umano itong paraan pero punong-puno naman ng pagmamahal.

“Maligayang kaarawan, anak! I wish you good health, at kumain nang marami upang tumaba ka hehehe. Inaasahan kong kakainin mo ang lahat ng nilupak na cake na ito na ginawa ko para sa iyo. Napagod ako sa kakadikdik nito hahaha. I love you,” saad ni Cruza sa wikang Bisaya, sa kanyang Facebook post noong Hulyo 15.

Wala pang isang araw matapos maging viral ang post ay nagtamo si Lixter ng isang totoong chocolate cake na may kasama pang ice cream. Nagpasalamat din ang nanay sa mga birthday greeting ng netizens.

Sa ngayon, ang nasabing post ay mayroon nang 50,000 reactions, 2,700 comments at 15,000 shares. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.