Una sa Balita

Nanay ni Miko gulong-gulo ang isip sa US

0 829

Nakakalungkot ang balitang pagpanaw ni Miko Palanca sa isang tragic na paraan. Naging malapit din kami sa kanya noong araw habang tumutulong kami sa showbiz career niya. Sad nga lang at hindi umalagwa ang career niya.

Pinu-push ko pa ‘yan noon kay Bea Alonzo nu’ng panahon na kasikatan talaga ng Bea/John Lloyd Cruz love team.

Ka-chat namin kagabi ang ina niya na si Pita Revilla Hocson na nag-migrate na pala sa San Francisco, California. Gulong-gulo nga raw ang isip niya at hindi niya sukat akalain na mangyayari ito. Hindi nga raw siya makapaniwala na magagawa o mangyayari ito kay Miko.

Dapat ay sa January 2020 pa siya uuwi ng Pilipinas, pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kailangan niyang umuwi agad.

Nagpapasalamat si Pita sa mga nagpadala ng mensahe of condolences and prayers para sa kanilang pamilya.

Sayang si Miko… (Joe Barrameda)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More