Una sa Balita

Nanay ni Kathryn pumalag sa maka-AlDub/KathNiel

0 404

KathDen movie ibo-boykot?

Ni: Rose Garcia

Madalas dinededma lang talaga ng mga artista o malalapit sa artista ang mga walang pakundangang pamba-bash o pambabastos ng ilang fan o netizen.

Obviously, hindi na kinaya ng ina ni Kathryn Bernardo ang walang modong fan daw o simpleng basher na kinuwestiyon ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards under Star Cinema na “Hello, Love, Goodbye.”

Nag-post ito ng picture nilang mag-ina at nag-imbita para panoorin ang movie nina Kathryn at Alden. At kilalanin daw ang kuwento nina Joy at Ethan. Pero siguro para ‘di na humaba o maging isyu pa nga, pagtingin namin sa Instagram ng mommy ni Kathryn na si Mrs. Min Bernardo, hindi na visible ang post niya na ‘yun.

May nag-comment at nagkuwestiyon kasi na, “Me kumakalat na balita na iboboycott daw itong mo-vie ng mga ADN at KNs ng malaman maraming halikan dito sina Alden at Kathryn… kasi naman bilang nanay hindi man lang nirespeto ang boyfren ng anak at pinayagan makipag-laplapan sa ibang lalake anak nia… yan ba sinasabi niyo role model.”

Hindi ito pinalampas ng nanay ni Kathryn at sinagot na, “part ka ba ng creative? Malamang HINDE… ang ikinakalat mong kuwento ay taliwas sa story… ang pagi-ging NANAY ko ay huwag mong questionin kasi madami kang hindi alam… Sana kung ma-ging isang magulang ka na, maging isa kang huwaran, then saka mo ako balikan at kausapin.”

O hala, bulls eye ang basher na siguro ang maganda, maaga pa lang ay pumila na sa mga sinehan sa sho-wing ng movie sa July 31 nang malaman ang katotohanan sa hina-hanash niya.

***

Angelic, Gelo tsugi agad sa ‘StarStruck’

Dahil sa naging twist sa “StarStruck” batch 7 Top 14 Finalist, 14 pa rin ang StarStruck hopefuls dahil sa dalawang wild cards na ipinasok mula sa mga da-ting na-eliminate na.

Na-eliminate noong Linggo ng gabi ang talagang pumasok sa Top 14 na sina Angelic Guzman at Gelo Alagban.

Maagang nag-end ang journey ng dalawa na pinalitan ng dalawang wild cards na sina Crystal Paras at Radson Flores.

Nagkatotoo ang pinili ni Crystal nang tanungin ito kung sino ang gusto niyang palitan among the 7 finalist of “StarStruck” batch 7 na si Angelic. Pero hindi kay Radson na ang pinili ay si Kim de Leon.

In fact, kung sa babae, si Ella Cristofani ang nakakuha ng pinakamataas na score last week, si Kim naman ang highest among the boys while Gelo the lowest kaya given na ito ang unang na-eliminate.

Panibagong challenges naman ang haharapin ngayong Linggo ng 14 hopefuls pa rin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy