Una sa Balita

Nanay ni Kathryn magiliw kay Alden

0 856

abante-talbog-joe-barramedaMalaking balita at marami talaga ang nagulat nang i-announce ang tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards sa isang movie project under Star Cinema na ididirek ng box office director na si Cathy Garcia Molina.

Ginanap sa Trellis Manila ang storycon nitong Martes ng hapon sa may Mother Ignacia sa Quezon City. Dinaluhan ito ni Olive Lamasan, Direk Cathy Garcia Molina, at si Daryl Zamora, mana­ger ni Alden Richards, at siyempre nandun din ang mother ni Kathryn Bernardo, na magiliw na magiliw kay Alden.

Wala pang sinabi kung sino-sinong mga artista ang makakasama bukod sa mga bida. Ayusin daw muna ang script at story na may OFW story gaya ng ginawa nila sa “Milan,” “Dubai,” “Barcelona” at iba pa.

Wala pang definite date kung kailan ito ipalalabas, pero siyempre this year ‘yon. Sa April 7 ang first shooting day nila at sa Hong Kong ito kukunan.

Excited naman sina Alden at Kathryn sa project na ito na magsasama ang artista ng magkabilang network. Pure work daw ito at ipapakita nila ang husay nila bilang mga artista.

Jeric mala-Nora Aunor umarte

Kung noon ay marami ang nagsasabi na ham actor si Jeric Gonzales na nakukula­ngan sila sa arte ng guwapong aktor ay iba na siya ngayon. Marami ang humanga sa kanya sa katatapos na teleseryeng “Ika-5 Utos.” Ang laki raw ng improvement ni Jeric sa nasabing afternoon serye. Nahasa siya nang husto at napiga ng award winning director na si Laurice Guillen.

Nitong nakaraang Linggo ay kasama si Jeric sa bagong batch ng workshop na isinasagawa ni Anthony Bova na three times a year dumadalaw sa Pilipinas base sa kontrata niya with GMA 7. Napahanga ni Jeric si Anthony Bova sa ipinamalas niyang pag-arte sa mga ginawang exercise.

Marami raw puwedeng gawin si Jeric sa paggalaw ng mga mata nito. Parang Nora Aunor ang peg. Pero sa kuwento rin ng in charge sa workshop ng GMA Artist Center ay marami raw ang nagulat sa pinamalas ni Jeric.

Wish nila na magtuloy-tuloy ito nang walang sagabal at sa taong ito na raw ang hudyat ng pag-akyat sa pedestal na matagal nang pangarap ng aktor. Sigurado naman kami na basta makinig lang siya sa mga payo at iwasan ang mga hihila sa kanya pababa, mangyayari ‘yon. Nasa kanya na ang desis­yon sa mga pangarap niyang inaasam-asam.

Anyway, panalo na naman sa ratings ang “Daig Kayo Ng Lola Ko” sa pangalawang linggo na sila ni Kyline Acantara ang magkatambal. Hindi sila binibitawan at fully supported ang KyRic fans sa kanila.

Sana ay suportahan din nila ang dalawang linggo pang pagsasamahan nina Jeric at Kyline sa “Daig Kayo Ng Lola Ko.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy